Tuesday, April 22, 2008

bakit nagbblog mga tao?

andito nnmn ako sa harap ng laptop nagsusulat ng post na 'to..para saan? wala namang nagbabasa ng blog ko.kawawa..lol! pero okay lang naman saken. in the first place 'di ko naman talaga ginawa 'tong blog na 'to dati para ipangalandakan sa ibang tao..haha. di ko nga sinabi sa mga kaibigan ko na nag-eexist 'tong account ko na 'to.. ayaw ko kasing may makabasa ng posts ko dito dati.. unang post ko kasi dito sobrang personal.nilabas ko talaga galit ko.. wag mo nang hanapin,inerase ko na..haha. siguro dati gusto ko lang isulat lahat ng kadramahan ko sa buhay.(siguro daw o.haha). iniisip mo siguro dapat nagdiary na lang ako..eh tinatamad akong magsulat sa papel e.gusto kong papindot-pindot na lang. tas baka mabasa pa ng mga pakielamerong tao sa paligid..hehe.. eh kung dito, may mga makakabasa nga siguro pero siguradong hindi ako kilala..haha

pero pgkatapos kong magblog-hopping, at pagkatpos kong mabasa mga comments sa dati kong posts, narealize ko na nagsusulat pala ako sa internet. mababasa ng lahat kung malilink nila..(as if hindi ko alam dati.haha).. marami akong natutunan sa pagbabasa ng mga blog ng iba.. inggit nga ako e.. sana lang magawa kong ganun ka informative blog ko kesa magsusulat ako dito ng mga walang kakwenta-kwentang mga bagay..haha.. hay nako.. siguro next time.. wish ko lang.. hehe.. nagmamadali na ko.. pinapatulog na 'ko ng lola ko.. maryosep!

6 comments:

the donG said...

nice. parang ang daming nagtatnong nito ngayon. hehehe... bakit nga ba? bawat isang blog may dahilan kung bakit ito pinost. isa dito ay para ma-update nya ang mga ginagawa nya para sa ibang tao na hindi nya kasama, iba naman para kumalat ng mga balita na importante para sa kanya na gusto nyang malaman ng iba. meron namang pinapakita at pinopromote ang kanilang lugar para sa turismo, meron ding personal na tulog ng blog mo. parang diary and journal na hindi naman kailangan ng malalim na dahilan para magblog kasi personal.

kaya nakakatuwa pa ring basahin ang mga blog kahit simple lang pero dahil buhay ng isang tao ang pinag-uusapan kaya hindi ito nawawalan ng saysay.

kung ang buhay ng tao ay mahalaga ganun din kahalaga ang mga pinopost nya sa blog nya dahil tao sya.

kaya sa akin kahit anong post, ok kasi pinapakita nya kung sino sya.

ang ayaw ko lang sa isang blog post ay yung may dahilan para saktan ang iba sa maling dahilan.

kaya keep blogging but let not blogging control your life.

joanne said...

ang alam ko lang kung bakit nagbblog ako

outlet ng ideas, emotions at kung anu anu pang kawirduhan na maaring dumaan sa utak ng tao.

hehehe

bid yan said...

waw..angsaya naman.. may nagcomment sa nilalangaw kong blog..lol!.. hehehe

kuya dong(i axum dong pangalan mo..haha!), salamat..parang pangpost na sa blog ginawa m..hehe..another learning from you..hehe.. tenkyuu..

ate joanne, hahaha.pareho tau..

bid yan said...

pahabol pala.. ksma dti sa reasons ko sa paggawa ng blog yung galit ko sa mundo dti..haha..

the donG said...

hi bid yan, (assuming bid yan nga name mo. hehehe... bumabawi). my real name is dominic. i use dong as a code name.

bid yan said...

kuya dominic..haha.. sabi ko nga po.. bid yan. chinese namn ko po yan. pacode name code name rin po ako dati ksi nga tinatago ko tong blog dati..haha..