Monday, April 21, 2008

the best graduation speech i've ever encoutered..

nakakita ksi siguro ako ng pag-asa rito..HAHAHA

GRADUATION SPEECH

Ngayong araw na ito, sa ating
pagtatapos, mayroon akong dalang
Transcript of Record. Ang estudyanteng
may-ari ng transcript na ito ay nag-
aral sa De La Salle University. Sa
unibersidad na ito, kapag ikaw ay
isang undergraduate, may ID number na
nagsisimula sa 94 at pataas, kung
lumipas ang isang buong schoolyear at
umabot ka sa 15 units na bagsak,
masisipa ka sa paaralan.

Ang transcript na hawak ko ay mayroong
27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay
tinamo ng estudyante sa iisang
schoolyear lang. Ang isang subject ay
kadalasang may bigat na 3 units. Kung
iisiping mabuti, isang subject na
bagsak na lang ay pwede na masipa ang
estudyanteng may-ari ng transcript na
ito.

Ang speech na ito ay hindi ko ginawa
para i-acknowledge ang paghihirap n
gating magulang sa pagpapaaral natin.
Hindi ko din ito ginawa para maghayag
ng political statement, o kumbinsihin
kayo na huwag umalis sa bansa at
tulungan itong maka-ahon. Ang speech
na ito ay para sa mga normal na
estudyante na kagaya ng may may-ari ng
transcript na hawak ko, dahil madalas,
wala talagang paki-alam ang
unibersidad sa mga achievements nila.
May mga awards na gaya ng Summa Cum
Laude, Best Thesis Award at Leadership
Award. Pero ni minsan, hindi pa ako
nakakakita ng unibersidad na nagbigay
ng "Hung-on-and- managed-to- graduate-
despite-nearly- getting-kicked- out-
during-his-academic -stay" award.

Maaaring isang malaking kagaguhan ang
konseptong ito para sa karamihan.
Bakit mo pararangalan ang isang
estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o
iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito
ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng
estudyanteng walang ia-asenso sa
buhay, hindi ba?

Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang
dahilan.

Madalas, pag ang isang estudyante ay
may pangit na marka sa paaralan,
lalong-lalo na sa kolehiyo,
nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan
yung tatamarin ka mag-aral, nandyan
yung iisipin mo Ano pa kayang trabaho
ang makukuha ko? Call center na naman
o clerical? Ba t kasi ang bobo ko.
Kung matalino lang ako, sana, sa
Proctor and Gamble ako, o kung saang
sikat na kumpanya.

Mas mahirap ang dinadaanan ng mga
estudyanteng bumabagsak. Kahit na
sabihin mong kasalanan nilang
bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung
ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling
sabihin na Kaya mo yan, mag-aral ka
lang pero alam ba natin talaga ang
sinasabi natin?

Kapag ang isang estudyante ay
bumabagsak sa unibersidad, nandiyan
yung tatawanan niya lang yan. O di
kaya naman, ipagmamalaki niya pang
TAKE 5 NA KO!!! o Pare, magpi-PhD na
ako sa Anmath3/Calculus/ etc. Pero
hindi alam ng mga isang Summa Cum
Laude kung ano ang nasa isip ng isang
normal na estudyante sa tuwing
matutulog ito at alam niyang pag-
gising niya, kailangan niya na naming
ulitin ang

isang subject na nakuha niya na sa
susunod na term. Kahit kalian, hindi
naging problema sa Star Student na
sabihing Nay, bagsak ako. at hindi
kailanman sumagi sa isip nila na
Paano kaya kung sa walang-pangalang
kumpanya lang ako makapagtrabaho?
Dahil sigurado sila sa kinabukasan
nila.

Huwag na tayong maglokohan. Grades are
everything. Kahit bali-baligtarin mo
iyan, hindi magiging patas ang mga
kumpanyang kumukuha ng fresh graduates
para magtrabaho sa kanila. Minsan din
naman, nadadaan sa palakasan, pero
ganun pa din. Kung hindi ka
academically good, wala kang
patutunguhan. Kung hindi man yun, mas
mahirap yung dadaanan mo para lang
makaa-abot sa prestihiyosong posisyon.

Kaya ngayong graduation, ang speech na
ito ay inaaalay ko para sa mga
estudyanteng lumpagpak, muntik-
muntikanan nang masipa o yung lahat ng
paraang pwede, ginawa na para lang
makatapos. Gagawin kong patas ang
mundo para sa inyo kahit isang araw
lang. Kahit ano pa ang sabihin ng
ibang tao, kesyo kasalanan mo man na
pangit ang marka mo o muntik ka nang
makick-out, saludo ako sa hindi mo
pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka
ng loob na harapin pa rin ang mundo
kahit alam mong hindi ito magiging
patas sa iyo. Saludo ako na kahit
pangit ang transcript mo, taas-noo ka
pa rin ngayong graduation at proud na
proud sa sarili mo.

Ano ngayon ang mangyayari sa mga
graduates pagkatapos nitong
graduation? Ayoko nang puntahan yung
pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude.
Baduy. Alam mo naming me patutunguhan
ang buhay nila e. Pero dun sa mga
lumagpak, ano ang meron?

Maaring makakuha kayo ng mediocre na
trabaho lang. Pwede ka rin swertehin,
baka makapagtrabaho ka sa magandang
kumpanya. Madami pang pwedeng
mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag-
asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo
e ba t titigilan niyo yung pagti-
tiyaga ngayon?

Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit.
Ipakita mo sa kanila na kung sipagin
ka lang, malayo ang mararating mo.
Subukan mong patunayan sa kanila na
kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin
yung naabot nila. Na hindi ka bobo,
kundi tinamad ka lang.

Baka sabihin ninyo, drowing lang ako.

I ve been on both sides. Naranasan ko
na ring lumagpak, at muntikan na din
akong masipa. Naranasan ko na na
umulit ng 4 na beses sa iisang
subject. Naranasan ko na na masumbatan
ng magulang, kapatid at kung sino-sino
pang propesor na walang pakialam sa
pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko
nang hindi makatulog ng maraming gabi
sa pagiisip kung paano ko na naman
sasabihin sa magulang ko na may bagsak
na naman ako. Kaya alam ko ang
pakiramdam ninyo. Akin ang transcript
na ito.

Pagkagraduate ko ng college, ano ang
ginawa ko? Eto. Nagtrabaho muna ng
konti, tapos aral ulit. Kuha ng
Masteral sa kurso ko. Hindi para sa
trabaho o kung ano man. Kundi para
patunayan sa sarili ko na noong mga
panahong bumabagsak ako, tinatamad
lang ako.

This is a rebellion. I raise my middle
finger to every professor, over-
achiever, naysayer and detractor that
told me that I can t make it. I raise
my middle finger to every valedictory
or graduation speech that only
gratifies the university, those who
were achievers in school or those who
gratify the country when it s supposed
to be the graduate s moment of glory.
You are supposed to acknowledge
EVERYONE. Even those who failed many
times.

Kaya sa inyong mga graduates na medyo
hindi maganda ang marka, para sa inyo
ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin
to. Imposibleng hindi.

- JAMES BERNARD C. RODRIGUEZ

kinopya ko ng walang pahintulot ky ate joanne.haha.sa site na 'to:

http://joannerz22.blogspot.com/2008/03/isang-napakagandang-speech.html

No comments: