Saturday, May 3, 2008

anak ng tipaklong.

well. tinamad na ata akong ipagpatuloy yung post ko kgbi. eto.depress-depressan nanaman.. hahay. bakit ba kasi ganito. alam ko marami pang schools diyan. pero.. basta! kung ikaw ba di nakapasa, siyempre naman malulungkot ka rin noh. eh panaka-naka lang naman tong depression na to kung dumalaw sa'kin kaya bumubuhos talaga pag nagkataon.

wala na sana eh.(medyo lang.haha). kaso lagi akong nasa diliman. kaya nakakadepress lalo..(hahaha!kawawa o).. eh kanina, nalaman ko cut-offs para sa reconsiderations. ang pinakamababa LB... 2.800 dw.. pambihira naman, kahit man lang sa cut-off for reconsideration na pinakamababa, di ako nakaabot. feeling ko napaka bobo ko na. bobits pa kung sa pinsan ko.haha!..eh nagkataon pang 2.801 ang UPG ko. pambihirang tipaklong naman oh! 0.001 na lang sana magkakaroon na 'ko kahit a glimpse of hope na lang na magparecon sa LB.. 0.001. eh wala. edi wala. haha!

isa pa kasi sa nakakadepress isipin,yung Language proficiency Percentile ko, tumataginting na 30!!! pambihira talaga oo.. ganun ako ka talino..HAHA. sabi kasi nila relax eh. ayun. busyng-busy ako sa kakarelax..LOL.. tas pagtingin ko sa board 2mins nlng eh kalahati pa lang nasasagot ko.wah! hala, sige, shade nlng ng shade. right minus wrong pa man din..hahaha. pero feeling ko lang kasi(feeling lang ha.haha), kung inayos ko lang ng konting-konti yung Langguage ko, baka sakaling nakaabot pa 'ko sa cut-off ng LB(maganda pa mn dn don)..

lungkot ng life story ko noh?tsk3. "if i could only go back in time" ang drama ko.haha.. pero yun na yun eh. bobo lang talaga siguro ako para sa up. sabi ko na lang para maging optimitsic image ko, baka ayaw nang dagdagan ni God paghihirap ko. tama na yung hirap sa pagiging specla sa comprehensive public high school..

pero eto, tinatamad na 'kong pumili ng school. admu kaya?-wala akong pera.hahaha!!asa.. pero seryoso, kahit na anung school na lang isuggest nila dito papayag na 'ko. kahit na anung course na rin basta wag nursing.. haha!.

wah! eto pa pala depressing story. nalala ko lang speaking of course. kung tinanggap ko na lang sana yung geology dti. full scholarship pa sana yon. up dw o adamson. eh di ko tinanggap. disappointed si papa. kung ano kasi gusto ko 'yon ginagawa ko. tas parang di kasi kapanipaniwalang makakapasok ako sa upd non. baka sa adamson ako mapunta. at wala akong interest sa bato. may trabaho na rw kaagad pagkagraduate eh. parang naboboringan ako pag ganon. tsaka, baka bumagsak pa 'ko. haha!! mas nakakahiya yon.. kaya andito ako ngayon. di pa nakakapagpaenroll. naghihintay na lang kung saang school nila ako ipapasok. bahala na.. haayyy buhaayy..

--ayun.. Birthday at Christmas wish ko?(bery adbans.hahaha!)-sana tumalino naman ako kahit papano. lampa na nga eh.anu pa silbi ko non?hahaha.

p.s. sa tipaklong na makakabasa, pasensya na kung kayo napagbalingan ko.hahaha!

1 comment:

the donG said...

ok lang yan at bilib ako sa yo at pumipili ka na ng ibang school. yung iba kasi nagdedepress for one week at kung minsan mahaba pa at hindi nakaka move on. any school will do basta matiyaga kang mag aral kayang kaya.

good luck.