Thursday, May 1, 2008

mag-exercise tayo tuwing...hapon..?

meron bang matatawag na unbloggable??haha!.. baka mga posts ko na yon.. okay lang. basta nakapagsulat ako sa'yo blog..hehe


yes! nakakita na 'ko ng solusyon para di lumobo habang wala pang pasok/pinagkakaabalahan.. hehe.

nagjojog kmi tska nagbabadminton sa hapon every other day. iniikot nmn sunken garden. hehe. kasama ko ate ko(hndi biological.by heart.haha!).
tinatanong dito sa bahay bakit daw sa diliman pa 'ko mag-eexercise eh anlapit lang ng sports center dito. may court pa. gusto kong sagutin;"pipigilan niyo pa po ba ako kahit sa pag-eexercise na lang sa dream school ko?hindi na nga pumasa yung tao eh"...hahaha! pathetic. joke lang.(half meant.LOL!).yung totoo,. sarap kasi kaya ng hangin don.hehe. makakalimutan mong nasa city ka. makakawala ka sa init,alikabok,ingay, at higit sa lahat polusyon dulot ng napakaraming tao sa siyudad. at isa pa, masyadong unfair na kay ate kung dito lang kami maglalaro. siya nga galing pang manila eh.hehe. ako galing lang marikina..

minsan nga lang tinatanong ko kung pinapawisan ba 'ko dahil sa laro o dahil sa kakapulot..lol! kada lumanding ba naman ang shuttlecock, she would either give me that antagonistic look(haha) or turn her back and pretend she's exercising.grr! tapos sasabihin ko madaya siya. sasabihin niya mas matanda siya sa'kin. o kaya magjajack en poy kami.haha! yung mama nga kanina pinulot na lang yung shuttle cock habang nagjajack en poy kami. naawa siguro sa'min.haha!!

si ate krizza. isa siya sa mga dahilan kung bakit na-enjoy ko na rin stay ko dito sa metro. siya nagturo sa 'king sumakay ng LRT.HAHA. dinala niya ako sa 168. at kung saan-saan pa sa maynila. nagtatravel siya ng humigit-kumulang isang oras para lang makagala kami. hehe. siguro kung wala siya, gugustihin ko na talagang umuwi ng bonggang-bongga. hehe. buti na lang andito siya.
siguro nagustuhan niya lang akong samahan kasi high school friend niya 'ko. ilonggo kami.haha. pero okay lang.. basta andiyan siya.. haha. kumokorni na ata. tama na..haha
huling hirit.hehe. nagpapasalamat ako kay God dahil kahit 'di Niya 'ko binigyan ng biological sister, binigay niya naman si ate krizza.. oha.oha..hahaha! exposure na 'to ate ha..heehee.. libre ko ha..haha

2 comments:

the donG said...

kakatuwa naman. parang ang saya mong kasama. that's good at may kasama ka. dami mo pang pwedeng gawin dito kaya sulitin mo na ang pag ikot. ok talaga ang sa UP sampus mag ikot.

buti at talagang disiplinado ka ring mag exercise. ako hanggang push up at sit up na lang. plus bike paminsan minsan.

kung blessed ka dahil may ate ka, i think blessed din sya dahil sa yo. ang bait mo kasi sa blog. hehehe...

enjoy your stay.

bid yan said...

disiplinado ksi may halong gala kuya.haha! tinatamad nga kaming mg push up at sit up eh(more like hindi marunong.haha!)..
gusto nga sana naming magbike. kaya lang wala kami non.T_T inggit kami sa mga nagbabike.. haha!

hndi lang ako sa blog mabait(talk about pagbubuhat ng sariling upuan.haha!). kung ikukumpara ako sa kanya, aba'y mabait talaga ako..hahaha!joke

thanks for dropping by kuya..=]