Monday, June 7, 2010

bitter machine

heto nanaman ako. nakakain nanaman ata ng isang napakapait na ampalaya for breakfast. sorry naman. haha. punung-puno na ata ng kabitteran tong blog na to dapat pinangalan ko na lang dito bitter ocampo oh kaya peanutbitter o kaya naman kwadernong bitter. josku. eh ano magagawa ko? baka mastroke lang ako pag di ko nilabas to. at isa pa, kaya ko nga ginawa tong blog na to para may makausap eh. :D

andami ko namang sinabi sa intro anu ba yan.

ang totoo niyan. gustong-gusto kong magwala ngayon. as in maghahagis ng gamit. as in magbasag ng kasangkapan. pwede rin namang manakal ng tao. o kaya naman magtitili. oo sige na. option din ang lumuha...ng dugo. kung bakit? ewan ko di ko maipaliwanag. naramdaman ko na lang pagkagising ko kanina. kung may napanaginipan akong masama, hindi ko na maalala. lalo pang nagliyab ang mga mata ko nung naisipan kong tumawag sa isang tao.

"ring.ring.ring.ring.ring.ring.ring.ring". wala pa ding sagot. "the M1 subscriber you're calling is not responding". isa pa. "ring.ring.ring.ring.ring.ring.ring.ring" "the number you have dialed is either unattended or out of coverage area. blablalba" sige mommy iignore mo ko. pakin%^@*&. gawain nga 'yan ng isang butihing ina. pagpatuloy mo yan at baka bigyan pa kita ng uhm, anu nga ba? trophy? plaque? name it. nag-iisip ako ng mga awards na ibibigay ko sa kanya ng biglang nagplay ang brick by boring brick ng paramore sa utak ko. kainis irrelevant naman yon sa subject kaya pinilit kong i-stop ang nasabing kanta sa kokote ko. kaso ayaw. pugak. timang. antalino ko. cellphone ko na pala yung tumutunog. yun pala yung ringtone ko. at mommy ang pangalang naflash sa screen. sasagutin ko ba? kung oo, ano naman kaya sasabihin ko? teka, bakit nga ba ako tumawag in the first place? tama ka ng iniisip. nasisiraan na ko. haha. so ayun. hanggang sa hindi ko na lang rin sinagot. :|

hay nako. baka magkakaroon na siguro ako. kaya. epekto lang siguro to. haha

No comments: