Tuesday, June 29, 2010

feel like complaining?

puro na lang kabitteran sa mundo pinopost ko dito sa blog ko. don't worry iba to.. ibang-iba..

puro ako complaints sa buhay ko. hindi ko iniisip na buo naman katawan ko. normal naman pag-iisip ko(well, most of the time. haha). nakakapag-aral naman ako sa maayos na eskwelahan. nakakakain ng mahigit tatlong beses sa isang araw. nakilala ko naman mga magulang ko kahit hindi magkasama.. ewan ko ba, nature lang talaga siguro ng tao ang magreklamo. pero hindi dapat.

nung pinapanood ko 'to ang initial kong pakiramdam eh awa. pero nung nasa kalagitnaan na ko ng video, inggit na ang pumalit sa pakiramdam ko. mabuti pa siya nagagawa niyang maging tunay na masaya kahit ganoon ang kalagayan niya. mabuti pa siya nakakapagbigay inspirasyon. at sa bandang huli naman, paghanga. saludo ako sa taong ito.

siya ang gusto kong maalala kada maiisip kong magreklamo. kada magugustuhan kong sumuko. kada makikita ko ay puro kadiliman lang sa mundo.

"if i fail, i try again, and again, and again."-Nick Vujicic


2 comments:

leng said...

napaiyak din ako nung una kong napanood ang clip na yan... kaya tama yan... wag masyado magcomplain sa mga bagay na di mo pa nakukuha..,kabata mo pa 'neng! madami ka pa mararating sa buhay.. :)

ako noon, ang tinitingala ko, si helen keller.. she's completely blind, deaf, and mute... pero naging successful xa sa buhay nya despite her differences... ang buhay nya ang inspirasyon ko to see the other side of life.. :) though wala pa akong nararating sa buhay ko till now.. waappaakk!.. haha...

eniwei..bata pa tayo.. hihi.. so much more to do.. :D keep safe bidyan!.. :)

bid yan said...

ah.. si helen keller.. yaaah, nabanggit din po siya ng bespren ko. galing niya.. hanga to da max :))

may narataing ka na po for sure. pero patuloy pa din ang paglalakbay(naks gumaganown XD). haha.

keep safe din po.. wish i could view your blog too :D