Wednesday, June 2, 2010

kaibigan

pag hiwalay na kayo ng boyfriend mo tawag mo sa kanya ex-boyfriend. pano pag bestfriend mo nawala sa'yo? ex-bestfriend? haba naman non. anyway,. nakasalubong ko lang sa daan tong blogpost na ito: #everlastingfriends. at damn, sobrang nakarelate ako T.T

okay. aaminin ko na din sa wakas ang isang bagay na dati ko pa ikinakaila kahit sa sarili ko. eto na(drum roll) namimiss na kita!okay?! nung mga nagdaang buwan eh parang okay na rin naman sa akin na wala ka sa buhay ko. oo paminsan-minsan naaalala kita pero hanggang doon lang, hindi na ko nalulungkot nagiging bitter o kung ano pa man. pero kanina habang binabasa ko yung post na yon(at bakit ko pa kasi binasa.ugok), biglang nagflash sa isip ko yung mga bonding moments natin na parang nanonood ako ng isang lumang film na black and white. ewan ko. hindi lang naman ikaw naging bestfriend pero ikaw talaga na isip ko na irelate dun sa character sa post. naturingan pang M din ang intitial niya. haha!

wala naman akong nais iparating sa'yo at alam ko din namang di mo to mababasa. gusto ko lang isulat ang nararamdaman ko. nanghinayang lang ako sa pagkakaibigan natin. lalo na pag naiisip ko kung ano naglagay ng lamat dito. napakawalang kwentang bagay kung ako ang tatanungin.dahil lang dun sa lamat na 'yon kahit anung subok ang gawin natin para maibalik sa dati eh wala ring bisa.

siguro ni minsan sa loob ng mahigit isang taon na hindi natin pag uusap eh hindi ako pumasok diyan sa isip mo. alam ko naman na wala na akong halaga sa'yo. nararamdaman ko naman eh. para iwasan mo ko pag pareho tayong online?.

simula nung nangyari yung insidenteng yon, oo sinubukan pa rin natin. hanggang sa nagkolehiyo tayo at lumipat sa magkaibang unibersidad. nag-e-effort akong punatahan ka para magkaroon ulit tayo ng bonding moments at magkabalitaan kung ano na bago sa buhay-buhay natin. kaso habang tumatagal alam ko nawawalan ka na ng gana. nawawalan na ako ng silbi sa'yo. pareho naman tayong nagkaroon ng bagong mga kaibigan eh. pero ikaw lang ang nagbago. hindi naman sa kinokontra ko yung kung anu-anong church ang sinalihan mo pero siguro nga tinuruan ka nilang lumayo sa mga bad influence na tulad ko kasi yun ang naramdaman ko eh. lahat ng paniniwala natin nagkaiba. at pati mga maling gawain ko ay parang tinaasan mo na ng kilay ng patago. pakiramdam ko pag kasama kita napakasama ko nang tao. pag inaaya ka naming(hayskul friends) lumabas halos tumanggi ka kasi ayaw mo na atang lumabas diyan sa lungga niyo. hanggang sa tuluyan na rin akong bumitiw sa lubid na ako na lang naman ang nakalambitin. alam mo naman na hindi ko pinipilit sarili ko sa mga taong ayaw sakin diba? pero sinubukan ko pa rin sa'yo kasi special ka sakin. pero wala ding nangyari.

ganoon lang siguro talaga ang buhay. kailangan matuto tayo kung kelan bibitaw. kelangan bago pa tayo makipagclose sa ibang tao isipin na agad natin na pwede silang mawala sa'yo anytime para pagnagkataon di na gaanong masakit. so ayun. naisip lang talaga kita M kaya bigla akong nauhaw sa kausap. mahal pa din kita alam mo ba 'yon? naalala mo ba nung umabsent ako sa isang subject kahit may quiz para lang magpanggap na ikaw dun sa importanteng meeting mo? maaaring hindi ko na hahayaan ang sarili kong magpakatanga ng ganon para sa'yo pero pag kinailangan mo 'ko(which is very unlikely), hangga't kaya ko, andito lang ako para sa'yo. alam ko masaya ka na diyan. at blessed na blessed so wala na 'kong mahihiling para sa'yo. mag-ingat ka na lang lagi..

No comments: