Monday, June 28, 2010

....or is it just me?

apat na beses na. apat na beses ko na 'tong naranasan. hokey, hindi naman sa nagbibilang ako hanggang sa dumami.. naisip ko lang talaga to dahil sa recent na mga kaganapan. una, dahil nangyari nanaman. haha. ang pangalawa, ikukuwento ko na lang sa next paragraph. haha!

ayun, bigla kasi ako tinanong ng tita ko kung bakit wala akong boypren at ang pinsan ko na mas bata sa akin ay meron. kung regular na araw, sasagutin ko siya ng "kasi hindi pa ako ready" o "walang magkamali", kaso hindi iyon regular na araw at panahon ng muni-muni ko 'yon. (haha!) so ang sinagot ko ay, drumroll.... WALA. nginitian ko lang ang tita ko na para akong bata. hahaha. patetik. madami na rin ang nagtatanong sa'kin nito. anu ba ...18 pa lang naman ako. maraming panahon pa para mag-alala kung magiging matandang dalaga ako(oh i hate the term!haha). minsan tuloy natsitsismis na tomboy ako. hindi ako against sa mga tomboy o bakla. kaibigan ko sila. pero hindi. hindi po ako tomboy. hahaha. closet bakla po ako. oha, revelation X) bakit ba kailangang may syota na opposite sex para mapatunayan na straight ka?ayan tuloy andaming nagagamit na tao ang mga closet queen/king para lang may mai-front sila. tsk tsk... kung ang make-up naman at ang kaartihan sa katawan ang pag-uusapan, hindi mataas ang grade ko don. unang-una sa lahat, lumaki ako sa bahay na ako lang ang girlaloo. tsaka na 'ko aarte pag may sarili na akong trabaho at bahay. tama?! haha. abangaaaan X)

humaba tuloy bigla ang second paragraph, defensive ba?haha. tumungo naman tayo sa tinutukoy ko kanina. tungkol dun sa "kaganapan"... una sa lahat ay lilinawin kong hindi ako bitter sa pagkakataong ito. pramis. hahaha. ano lang kasi. apat na beses na na nangyaring may nagpursue na hindi ko naman sinagot at dahil don, nainip at bigla na lang may ipapakita sa akin na girl na ewan ko kung ilang oras niyang niligawan. oo, hindi ko sinasagot kasi wala pa naman talaga akong nararamdaman at hindi ko rin naman siguro mararamdaman ang dapat maramdaman kung hindi sila magpupursige diba? hahaha! hanu ba 'tong explanation ko. :)) basta. para paikliin ang mahaba na, parang ipinamukha nila sa'kin kung gaano dapat kabilis ang pag sagot sa isang napakagwapong lalake na tulad nila. hindi naman sa nagmamaganda ako noh pero hindi naman porke't pangit ka eh papayagan mo nang paglaruan ka na. at hindi rin naman kagwapuhan lahat ng mga lalaking mga manloloko katulad na lang ng kaibigan kong si toot na napakaraming chicks.

ang gusto ko lang malaman eh kung dahil ba talaga sakin, dahil hindi ko sila binigyan ng importansiya o kung ano pa mang dahilan katulad ng sinumbat ni 'da 2nd'... o talaga lang sa panahon ngayon eh gusto ng lahat ay mabilisan? siguro naman meron pang katulad ko diyan na old fashioned pa rin pag dating sa mga ganitong isyu. hihintayin na lang kita kesa sa mga cyborg na to. haha!:)

ay.ay.ay. PS pala. i'm happy for the recent guy as opposed to what you may have concluded. this post is not a bitterness for him. narealize ko lang talaga dahil sa counter at sa tita ko. hahaha!. and the girl is nice. be happy you two :)

2 comments:

leng said...

waaaa.. magkakasundo tayo sa mga lalake!.. haha.. old fashioned din ako..waappaakk!.. haha..
ibig lang sabihin nun, hindi ka talaga nila mahal ng tunay... bakit sila magahahanap ng iba kung di ka nila nakuha agad? ano pang silbi ni "persistense" kung di rin lang magamit di ba..di ba.... (ooppss.. hindi rin ako bitter.. haha)

sila ang bitter kasi nagpamukha pa sila sa u na may sumagot na sa kanya.. tsugz!.. haha..

bata ka pa... the early u engaged in such a relationship, the more pains u'll meet.. hehe.. :D not all though.. (baka may makabasa, batukan pa ko.. haha)

bid yan said...

wehehe. ang totoo po niyan waa akong alam sa mga ganto :D hindi ko alam kung anu pumasok sa isipan ko at nasulat ko to XD

anyways,..moving on. haha.. tama ka po.. that's why i'm still a member ob da NBSB until now. shoot nabulgar ko. wahaha