Sunday, July 11, 2010

2012 na ba, ha?!

oo hindi ako ganun ka hunghang. alam ko naman na 2010 pa lang. pero sabi kasi nila 2012 pa gugunaw ang mundo. dapat may two years pa ko. pero kani-kanina lang. gumunaw na ang mundo ko. yes mga kaibigan. yu herd it rayt. gumunaw na po ang mundo ni bidyan.

...tnungin mo naman ako kung bakit.

sige, bakit?

ayan, may kausap na ko sa wakas. ikaw na lang daw si pinky. salamat sa tanong pinky. am. eh kasi dahil nakakasyet. anu yon. kasi. basta. ewan. nangyari na lang eh.

mababaw nanaman ba 'yan tulad ng ibang kabitteran mo dito sa blog mo?

gud kwestyon. hindi. ngayon ko lang masasabi sa tanang buhay ko na malalim ang pinaghuhugutan ko ngayon. ewan ko rin kung matatawag itong kabitteran. bwakangsyet kasi eh

parang ayaw mo naman sabihin kung ano talaga nangyari eh..

hindi naman sa ganon. hindi ko lang naman alam kung paano ieelaborate. at kinakahiya ko rin ito. oo, tama ang nabasa mo. ikinakahiya ko ito. kasi hindi naman dapat to nangyayari sa tao eh.

okay. i respect your privacy...

tenchu pinky :)

ayan umismayl ka na. edi ibig sabihin niyan maayos na ulit ang mundo mo?

anu ba, plastik lang yung ismayl ko noh. haha.joke. katulad ng klisyey, alam mo yung klisyey?igugel mo. haha. basta yun, ayon nga don, taym heals.. eh bwakanangsyet at puro nako mura dito, putchachenes, ewan ko kung gaano tatagal ito. siguro hanggang sa makaganti ako sa naknangtinapay na yon. talagang gaganti ako!!

oh, kalma ka lang dudette. ganyan ka ba talaga kagalit sa kanya?

oo gerl.

parang ngayon lang kita nakitang ganyan..

eh kasi ngayon ko lang naman naramdaman ang ganitong galit sa isang tao. i neber tot i kud heyt samwan layk dis.layk daaah. bwiset nakakasyet lang.pusang gala talaga.

nakakasad naman yon. dahil sa isang tao, natuto kang magkaroon ng hatred.

oo nga eh ='(
wag ka nang umiyak..
  
kelangan ko ilabas to eh. kahit sa atin-atin lang. betwin yu en me may labs..kundi baka mastroke ako..

naiinis na rin tuloy ako sa taong yon.. ayokong nakikita kang ganyan.

naks gumaganown. bespren na tayo niyan. haha. ako hindi lang naiinis. nanginginig ako sa galit. kasi siya pa. siya pa na dapat unang-unang tao na nagmamahal sakin. putikness.  andrama ko tuloy ngayon. eh kasi naman eh. ikaw ba naman masaktan ng ganito. sana hindi ko na lang siya nakita pa ulit para kahit sa imagination ko na lang man, mahal niya ko. kahit sa imagination ko man lang, may ilulook forward pa ko sa buhay ko-na makita siya ulit. kahit kunyari lang magkakaroon kami ng happy ending.

T_T
ala. naiyak ka na rin tuloy. haha. sige na nga. tama na nga to... basta. makakaganti rin ako. (evil laughs!). usap ulit tayo neks taym bespren pinky ha? sana sa pagkakataon yon, masaya naman maiikukwento ko

sana nga T_T sana umokey ka na.

oo nga..

2 comments:

Probinsyana07 said...

salamat sa pagdalaw sa blog ko. ilalagay kita sa blogroll ko.. kung ok lng sayo *pakilagay na rin ako sa list mo*..

hoping for a *pinkish blogship* wit u! :)

bid yan said...

haha. pinkish blogship. alayk it :D nailagay na po kita. salamat din po. mabuhay kayo :D