Saturday, July 10, 2010

torpelisyus

ngayon naaapreciate ko ang mga torpe kadorpeys. why? coz they can love you in their own selfless way. at napa-ingles tuloy ako don. hihi. eh ksi naman noh. hindi talaga ako nainiwala sa mga ligaw ligaw na yan. kasi nawadeys, puro kabaduyan at kaplastikan lang naman ang ginagawa ng mga ibang boylets na yan. buti sana kung katulad nung panahon dati nila maria clara noh, yung tipong umeeffort talaga sila ng bonggang-bongga para lang maging "kasintahan" ka.. at alam mo namang seryoso sila sa'yo(-hellerness? para ba naman mangharana at humarap sa mga istriktong magulang ano) hindi tulad ngayon na para magka gerlpren lang o kaya naman eh para mapatunayan ang pagkalalake nila

oo, syempre naman hindi lahat eh tulad ng nabanggit ko,. marami pa rin namang nagseseryoso. pero naman noh. hindi pa nga kayo eh dumedemandingness na kaloka ang mga ugok. :| tinetrays na ang iskedyul mo at lagi nang dumedemand ng kung anu-ano. hay nakow!

at eto pa. bakit ba pati ang panliligaw kelangan ipagpaalam?bago pagkatapos pag hindi mo naman sinagot in de end eh sasabihing pinaasa mo lang sila? so ibig sabihin pala niyan, pag pinayagan mo sila manligaw, tutuloy-tuloy na yan na maging kayo? so para saan pa ang panliligaw?eh why not dumeretso na lang? diba diba? kapag naman hindi ka pumayag na manligaw sila sa'yo sasabihin naman na parang chance lang hindi mo pa maibigay??

ang gulo ng lumalablayp. kaya ayoko pang mamulat sa mga ganito eh. kaya takbo ako ng takbo. eto pala ata ang dahilan. hehe. kung sana maisusulat ko lang kung ano dapat mangyari sa lablayp ko, isusulat ko yung kanta ni mareng miley cyrus "..you'll be the right guy and i'll be the bestfriend that you'll fall inlove with.." o diba lumelebel up ang kabaduyan ko?hahaha. yun kasi talaga ang gusto ko. walang plano-plano. walang kontra-kontrata. i mean.. gusto ko kung may makakainlaban man ako(wala na akong maisip na term sorry!.haha!), gusto ko dun sa taong kilala na 'ko insayd en awt at bays bersa. gusto ko yung nadevelop na lang sa tagal ng pagsasama hindi yung dahil sa ligaw ligaw epek wid matching tsokoleyt en plawers pa

do u get my point? i don't tink so. haha! kung saan-saan na napunta tong chika ko eh dapat tungkol lang to sa mga pare kong torpe. haha!

basta ayun. yun na yun. iba dapat isusulat ko dito kaya ko naisipang mgblog kasi parang maganda yung konsept ko sa mga torpe kaso kung anu-ano na bigla sinulat ko at ngayon eh tinatamad na'ko. neks taym na lang ulit. torpelisyus, da riyal deal:abangan.... hahaha

byie :)

4 comments:

MuntingBisiro said...

gusto mong magkainlaban kayo ng best friend mo, ganun po ba? hahaha, ganun nga.

Torpe ako, pero secret lang.

bid yan said...

ganun na nga po. hahaha joks.

sige sige sikreto lang po natin yong matindi. atin atin lang po :D salamat sa pagbisita at pagkoment :))

leng said...

waaaa.. pareho tayo.. neber mind da plawers en tsokoleyts... neber maynd na din da ligaw churvah!.. mas masarap kaya magmahal ng hindi mo namamalayan, nadyudyulog ka na pala sa parati mong kasama.. ayii.. kowniks.. haha..

bid yan said...

karek po. hihihi. i layk de kornikness ob it :)))

sayang, di ko po maview profile mo :) thanks anyway :)