Tuesday, August 3, 2010

si ella

nung isang araw, nagpost ako tungkol sa kalungkutan ko. hindi ko nabanggit kung ano yung masamang balita na nagtrigger kung bakit ako nalungkot ng sobra. eto kasi yon..

friday, july 30, around 7 ng gabi, sumakabilang buhay ang tito ko(well, hindi ko naman talaga siya tito by blood. close lang siya sa pamilya namin mula nung bata siya kaya para ko na rin siyang tito) napakabilis lang kasi ng lahat. inatake siya sa puso. pagkarinig ko ng balita, parang nagflash bigla sa utak ko yung memories ko sa kanya na katulad nung sa mga pelikula. oo, hindi naman ganoon kadami yung memories na yon. mahigit isang taon pa lang simula nung nakita ko siya ulit dahil hindi nga ako dito lumaki.pero katulad nga ng sinabi nung isa kong tita, hindi naman sa tagal ng pinagsamahan yon. yung impact na nagawa niya sa buhay mo, yun ang nagmamatter.

ok, tama na yung tungkol sa nararamdaman ko. dahil hindi ako ang bida dito. kanina pumunta ako for the second time sa burol ni tito gener. pinramis ko sa sarili ko na hindi ako iiyak kasi parang wala naman akong karapatan. pero nung nakita ko ang anak niyang si ella... :'( ... grabe lang talaga ako maapektuhan pag may nakita akong umiiyak. lalo na pag alam kong malalim ang pinaghuhugutan. nag-o-otomatik ang paa ko sa pagsuot ng sapatos niya. you know, like kung ako yung nasa kalagayan niya.. at lalung-lalo na kasi bata lang siya. around 12 lang ata siya. hindi pa niya dapat nararamdaman ang ganoong klaseng sakit. i mean, mas matindi pa yon sa lahat ng sakit na naramdaman ko pagpatung-patungin man siguro. papa's girl pa naman daw siya. masyadong maaga lang talaga para sa kanya

nung unang araw na bumisita ako, siya agad ang hinanap ko. mukha siyang masaya. pero alam ko kunyari lang yon kaya lalo akong nalungkot para sa kanya. ang strong strong niya. eh what more nung nakita kong bumigay na siya? tuluyan na siyang naiyak nung pinalabas yung tribute para sa tatay niya. like, grabe lang talaga yung iyak niya. hindi ko madescribe. basta, naiyak na lang din ako :'( gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at damayan kaso ni hindi niya nga ako kilala by name. kaya wala akong nagawa kundi sabayan na lang siya.

hindi ko maisulat ng maayos ang gusto kong ibahaging kwento kasi hindi naman ako magaling magsulat. basta yon.. para kay tito gener naman, mamimiss po kita. sayang at di na natuloy yung planong bidyoke sa bahay niyo. naappreciate ko po talaga nung sinabi niyong kayo na lang ang magbibigay ng allowance sakin kahit di ko naman inaasahan.masaya lang ako at naramdaman ko pagmamahal niyo :') wala na tuloy kasangga si papa ngayon at magdadala sa kanya ng softdrinks lagi lagi..pati na rin meryenda. at si tita malen po, humagulgol din dahil sa inyo, lakas niyo talaga :) sana nagkaroon pa tayo ng mas mahabang time kaso kelangan ka na ata diyan..

sana kung nasaan man kyo ngayon, masaya na kayo.

hay... nabawasan nanaman ng isang mabuting tao dito sa mundo. pero nadagdagan ang mga anghel :)

No comments: