Thursday, April 22, 2010

grief

i've lost a friend last night. we've lost a good teacher. two kids have lost their loving father. the world lost one great man...

sir bogs. u've been an inspiration. you were never just a teacher to me. man, you were like a father and a very good friend. you were one of the most genuine people i've known in my life. i'm sorry i never had a chance to accomplish my promise. i will never ever forget you sir. you'll forever be a part of my life..

it's so unfair. how can i tell you to rest in peace when i know you don't wanna leave your children. i guess time will heal. maybe He has a purpose. i don't know. wherever you are right now sir, i know you'll keep on watching over your kids. i hope someday you'll be happy there. we'll all see each other next time. we love you sir!='( i'm holding this stuff toy you gave me. i'll treasure this forever. sana marinig mo po ako T.T

Wednesday, April 7, 2010

EMOkang tae

wala. wala akong maisip na title dito sa post na to kasi napakagulo ng isip ko talaga ngayon(as if on regular days maayos.hmm).. siguro naman walang makakabasa ng post ko na 'to dahil alam na na nilalangaw ang blog ko. sabi-sabi lang ng neoCounter ko na madaming dumadaan dito para hindi ko siya idispatya.

well anyway hindi ko naman 'to ginawa para ipangalandakan sa buong mundo kung gaano ako ka emo. sinulat ko to kasi ito lang ang nakita kong maayos paraan para mailabas ko to. kasi kelangan ko talaga ilabas bago ako mag-explode sa di inaasahang paraan, oras, at lokasyon. hindi kaaya-aya yon pag nagkataon. hindi ko din naman kasi masabi sa mga kaibigan ko dahil alam ko rindi na sila sa mga drama ko sa buhay. di ko rin naman masabi sa tita dearest ko(dearest daw o.haha!xD) kasi meron din siyang pinoproblema ngayon ayoko na makadagdag pa. lalo naman sa mga magulang ko kasi sila nga ang problema ko. hahaha. so pano na? sayo na lang pinakamamahal kong blog! i guess it's between you and me then :D

so kung may naligaw mang kaluluwa, sige pwede mo tong basahin pero pagkatapos mo at parang gusto mo na kong murahin, sorry naman!di naman kita pinilit eh. nawarningan na kita. hehe.

so ayun eto na talaga yung simula. andami ko pang sinabi eh noh.

naramdaman ko na ata ang pinaka masakit na pwedeng mangyari sa isang tao emotionally. yung ituring ka ng nanay mo na parang wala lang. basta para sakin yun na pinakamasakit. hindi mapapantayan 'to ng panloloko ng mga boylets o pang-iiwan ng mga BFFs. kasi nanay mo yun eh. dun ka nanggaling sa tiyan niya.. when i said parang wala lang, yun yung magpaparamdam siya sayo kung kelan niya lang gusto, bigla na lang siyang mawawala at maiiwan kang parang tanga sa kakaalala sa kanya. oo nandun nako kaya daw siya biglang di nagrereply sa mga text kasi nagkaproblema siya. pero bat di niya magawang ipaliwanag sakin kahit mabilisan lang?ano ako 7 year-old?? ayokong manumbat pero sumobra na nga ng dekada ang di niya pagpapakita samin dati pero tinanggap pa din namin siya ng buong puso pero eto nanaman as if hindi pa sapat ang pain na naidulot non samin? A. gusto kong magalit. B. gustung-gusto ko magwala at magpakarebel-rebel sa kanto at mgpakasabog pero hindi ko magawa. yung rason ko sa letter B, eh sino din talo non?ako! plus, katangahan lang yon ulol!(talking to myself). rason ko naman sa letter A, kanino ako magagalit?sa kanya? kung pwede lang sana. kaso AYOKONG MAWALA NANAMAN SIYA SA BUHAY NAMIN. yun ang pinakamasakit don. aray ko po!

sa kabilang ibayo naman ng istorya ng buhay ko, napamura nanaman dahil saken ang aking ama. matagal-tagal na din yung last time na napamura siya dahil sakin at hindi ko matanggap ang kababawan ng rason kung bakit ito naulit. hindi ko din matanggap na ginawa niya ito sa harap ng mga taong maayos ang pagkakakilala sakin. hindi ko din matanggap ang timing nito. kung nakita mo lang kung gaano siya hinayblood kanina na parang napakalaki ng kasalanang nagawa ko. kaya walk out ang lola mo. so ayun bigla akong nauwi sa pgjogging sa sports park ng marikina. para akong tanga na naluluha habang tumatakbo sa oval. mabuti na lang at may madidilim na part. kaya napag isip-isip ko mga bagay-bagay na ito na sinusulat ko ngayon.. ngayon ko lang narealize kung gaano kakorny at katanga ako sa mga pinag-gagagawa ko kanina. sana lang walang nakakilala sakin. nakasampung laps pa naman ako. tae na. parang lutang lang ako kanina. waaaaaaah!

alam ko naman masamang anak ako eh. pero bakit, mabuti ba silang magulang?! sige masama na din akong tao kung masama pero pinipilit ko namang magbago ah. yun ba kaya ang dahilan kung bakit hindi ako kayang mahalin ni mommy ng katulad sa pagmamahal niya sa mga kapatid ko? yun ba yung dahilan bakit binigyan ako ng mahina ang loob tatay?kung bakit lagi lagi na lang siya dapat ang pagparayaan considering siya ang grown-up saming dalawa? yun ba ang dahilan kung bakit mula simula hindi ko naramdamang importante ako? kung magpapaka good ba'ko mababago ang lahat? ewan lang natin

at the end of the day baka nagbigti na nga ako kung wala ang tita ko. isa siyang santo na dapat ipagpatayo ng rebulto someday. kung wala siya ewan ko na lang kung saan ako pupulutin ngayon. pasan niya ang lahat ng taong nangangailangan. hehe. love you tita malen :)

kitams?may happy ending na rin naman kahit papano. haha!:D parang baliw lang ah.