Friday, July 30, 2010

lungkot

/dignose

hindi ko maisalin sa mga salita ang nararamdaman kong kalungkutan ngayon. parang namumuo lang sa dibdib at sumasalamin lang ng konte sa mood ko. alam mo yung maayos naman ang araw mo tas bigla ka na lang malulungkot ng walang dahilan? akala ko yun ang nararamdaman ko kanina pero hindi pala. pag-uwi ko sa bahay may tumambad na masamang balita sakin. at nagpatong-patong na rin ang mga realizations ko tungkol sa mga bagay na dapat kalungkutan. ang masaklap niyan, wala akong magagawa para mabago ang mga ito.

isang bagay lang siguro ang makakapagpagaan ng pakiramdam ko ngayon..

seryoso. kelangan ko ng isang mahigpit na mahigpit na mahigpit na mahigpiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit na yakap.

andami ko tuloy namiss na tao..

may ilan don ang hindi ko na makikita kelan man sa mundong ito... :'(

Friday, July 23, 2010

sadpeys


ano to? nakita ko po itong poster na kagaya neto sa dati kong iskul dalawang taon na ang nakakalipas. eh ano ngayon? eh wala lang gutso ko lang isyeyr... sige bye. hehe joke. ang totoo niyan, isa itong poster na nag-advertise para sa isang youth congress para sa mga it students na katulad ko. pagkakitang-pagkakita ko pa lang ng poster na ito, sinabi ko sa sarili ko, "pupunta talaga ako diayn!ekskayted na ko!" kaso nang malaman ko kung magkano ang dapat bayaran, nanlumo ako.tumatagingting na siks handred peysoseysoseysosezzzz.. @_@ per day po 'yan. eh por days kaya yun :| i did da math at kung tama ang kalkulasyon ko, por tu naman ngayon ang dapat kong hagilapan sa kung saang kamay ni lord. pero don't get me wrong. sulit naman talaga siguro yung bayad. kung may ibababayad. yun lang. haha! kaya nga gusto ko pumunta eh kasi interesting talaga siya at alam kong marami akong matututunan at igogrow as an it student. naks. hehe. kaso yon, hindi nga ako nakapunta nung pagkakataong yon.

pagkalipas ng dalawang iskul year....

watda ef may dumaang ipis! >:(  shi#$@$^*!!!!!

wala kamersyal lang yon, may dumaan naman talagang ipis at nahinto ako sa pagtatype dito. pinapatay ko muna.. >_<

ayun patuloy... ehemmmm..

pagkalipas ng dalawang iskul year...

tadah! nakita ko ulit ang mahiwagang powster. and guess what? next week na agad ang deadline ng bayaran eh kakakita ko lang ng powster. and guess what ulit? hanggang ngayon eh browk pa din ako. and anader guess what? kung hindi pa obyus eh gustung gustung gustung gusto ko talagang umattend dito.. waaaaah. what to do what to do? hindi ko naman pwedeng pwersahin si mista pi ay dyi na sumuka ng coins dahil kakapiga lang namin sa kanya nung nakaraang linggo. nagrerekober pa siya. haaayyyy...siguro eh next year na lang ulit. sa meron ulit. :(

lesson learned: dapat pag may gustong bagay paghandaan at pag-ipunan para pag may dumating na ulit, kaya na.----- anu raaaaw? hehe. basta yun. kung pinag-ipunan ko na to nung nakaraang year pa eh maisama ko pa buong barkada. hehe joks.

Sunday, July 18, 2010

so that's why he looked so familiar..

i am very fond of reincarnation and stuff and look at this, real life reincarnation! emagawsh! haha!

this right here, was Jean Paul Mounet:



he died febuary of 1922. familar, huh? well take a look at this:



you know him, right? keanu reeves. he's alive and kicking.
creepy.. i know @_@
and i know this is old news but i just noticed paul mounet's portrait first then googled it and found the video.it gave me the goosebumps >_< try to find it too..:)

Friday, July 16, 2010

prablem salbd :))

ito po si mista pee ay dyi. kung bakit 'yon ang pangalan niya eh napakahabang istorya :D



hangkyut-kyut  niya diba? lagi lagi siyang pinapakain ng papa ko kaya naging ganyan siya ka chubby at lagi lang siya naka-ismayl na ganyan kaya naaaliw ako pag tinitignan ko siya. walang bahid ng lungkot at problema.

ngunit nung Lunes, ika-12 ng Hunyo, 2010, nagkaroon ako ng problema. problemang hindi naman ganoon ka laki kaso hindi rin pwedeng pabayaan na lang basta-basta. ip eber may makyuryus kung ano nangyari, i click nlng po >DITO<

so ayun. i was left with no choice...



ito po ang kinauwian ni mista P.I.G.. he saved my life. he's my hero for the day. este sem pala. :))  kapalit ng pagsasakripisyo niya ay ang tumataginting na hwan seben para malutas ang aking suliranin. hwan por po yung libro so ang natira ay niseyb ko po sa para pandagdag sa tuiton ko. kahit man lang dun sa penalty.
.
.
.
hep..! hindi naman po namin siya pinatay. pinalaypowsaksyen  pinagbenta lang po namin siya ng lamang loob kaya ganyan nangyare.napakapayat lang niya ngayon at kelangang makarekober muna. tumatanggap po kami ng donasyon sa kanyang muling pag galing.hahaha

Thursday, July 15, 2010

hawi putah

hep, hep! hindi po ako nagmumura. hehe. pangalan po yan ng kaibigan nila hemoyni  gwanga at won weezley at kaaway ni he-who-must-not-be-named :)) newp, hindi po ako fan ng libro kasi napaka laki nito at napaka hirap imadyinin ng mga pinagsusulat ng awtor. hindi rin ako super fan ng mubi at ni daniel radcliffe. tama lang siya hindi ko heyt hindi rin lab. pero dahil sa deyt ko wid my selp kanina, nanood ako ng Inception... at ang peyborit part ko ng panonood ng sine ay ang panonood ng mga treyler, napanood ko tuloy ang treyler ng hawi putah en da deathly hallows.. at dahil diyan, naekskayt bigla akong manood. haha. naloka ako sa presenteysyen eh parang ang ganda :)) lalo na etong mabangis na line ni hawi:

voldemort: why do you live?
hawi: because i have something worth living for.

wala lang. nabonggahan lang ako sa usapan nilang yon. sorry naman :) para maintindihan niyo ko, panuorin niyo na lang :))

Wednesday, July 14, 2010

special offer

kanina kumain kami sa isang fast food chain ng tito ko ng biglang nagulantang ako sa inooffer nila. kung ang ibang food chain ay nagbibigay ng libreng laruan sa bawat pagbili ng pagkain nila. kakaiba ito. tignan ko nga kung mahuhulaan mo..

libreng pagbrowse sa magazine?

meron. pero hindi naman nakakagulat yon eh. haha

sa dyaryo??

daaah..

libreng cellphone charging?

hindi. pero meron din sila nito :D

eh pacharge ng psp ipod at gameboy?

oo meron din sila. haha. pero hindi rin yan ang sagot.


eh anu nga ba??

sirit ka na?:))

oo nga :|

libreng massage.  tama po ang inyong nabasa. pwede po kayong magpamasahe ng libre sa food chain na ito. wala lang. nawirduhan lang ako. para kasing walang konek. haha. siguro hindi na ito bago sa inyo pero sakin bagung-bago talaga kaya hindi ako makaget owber at pinost ko pa talaga dito sa blog ko :D matagal na akong nakakakain don at nagchacharge na din ako ng phone ko don pero ngayon ko lang napansin na may libreng massage. hihihi.

dapat ang tag line nila:
pagod? masakit ang katawan? tara sa (insert food charin name) at kumain :))

wala lang po. jas anader nansens na post :p

Monday, July 12, 2010

pulubi on da go.

nasa gym ako ngayon at ineenjoy ang libreng internet. eh ano ngayon? haha wala lang nagyayabang lang na may pera pan dyim pero ang totoo naman niyan eh libre lang din ako dito dahil sa tito ko :| ang totoo niyan eh isa na akong browk. wala nga akong pambayad ng tuition sa 15. huhuhu. tas andami pang babayaran sa iskul. gaaaah!>_<

malamang isang malaking EH ANO NGAYON ang matatanggap kong komento dito(swerte na kung madkaroon man.haha!) pero kasi. niblog ko to bikos hindi ako maka get owber sa librong nirerekwayr samin. napakahiwaga naman non at tumataginting na hwan por ang presyo. jusko pow. talaga namang hayip tumayming ang aming dean. kung last sem niya yon nirekwayr, swak pa sana. kaso ngayon. ngayon pa na browk ako. ngayon pa na hindi kami nagpapansinan ni mader. at ewan ko kung magpapansinan pa in da pyutur. anyways, moving on.. aaah talaga ang mahal lang. en to tink isang sem lang naman gagamitin. wag na lang ako bumili? babagsak ako. dun daw ibabase ang lahat ng lesson. plus, may insentib pa sa bibili. hayip naman makapromowt ng libro itong si dean.

so ang isang malupit na tanong na gumulo sa utak ko ngayon: pano na me?T_T

sana makakuha ako ng part timr job. waha asa.


leech. dugo at pawis ang pinundar ko sa post kong ito,. walang print ang kibord dito! >:| kaya sige. haha. babush. sana mabili ko yung mahiwagang book. prey por me :|

Sunday, July 11, 2010

2012 na ba, ha?!

oo hindi ako ganun ka hunghang. alam ko naman na 2010 pa lang. pero sabi kasi nila 2012 pa gugunaw ang mundo. dapat may two years pa ko. pero kani-kanina lang. gumunaw na ang mundo ko. yes mga kaibigan. yu herd it rayt. gumunaw na po ang mundo ni bidyan.

...tnungin mo naman ako kung bakit.

sige, bakit?

ayan, may kausap na ko sa wakas. ikaw na lang daw si pinky. salamat sa tanong pinky. am. eh kasi dahil nakakasyet. anu yon. kasi. basta. ewan. nangyari na lang eh.

mababaw nanaman ba 'yan tulad ng ibang kabitteran mo dito sa blog mo?

gud kwestyon. hindi. ngayon ko lang masasabi sa tanang buhay ko na malalim ang pinaghuhugutan ko ngayon. ewan ko rin kung matatawag itong kabitteran. bwakangsyet kasi eh

parang ayaw mo naman sabihin kung ano talaga nangyari eh..

hindi naman sa ganon. hindi ko lang naman alam kung paano ieelaborate. at kinakahiya ko rin ito. oo, tama ang nabasa mo. ikinakahiya ko ito. kasi hindi naman dapat to nangyayari sa tao eh.

okay. i respect your privacy...

tenchu pinky :)

ayan umismayl ka na. edi ibig sabihin niyan maayos na ulit ang mundo mo?

anu ba, plastik lang yung ismayl ko noh. haha.joke. katulad ng klisyey, alam mo yung klisyey?igugel mo. haha. basta yun, ayon nga don, taym heals.. eh bwakanangsyet at puro nako mura dito, putchachenes, ewan ko kung gaano tatagal ito. siguro hanggang sa makaganti ako sa naknangtinapay na yon. talagang gaganti ako!!

oh, kalma ka lang dudette. ganyan ka ba talaga kagalit sa kanya?

oo gerl.

parang ngayon lang kita nakitang ganyan..

eh kasi ngayon ko lang naman naramdaman ang ganitong galit sa isang tao. i neber tot i kud heyt samwan layk dis.layk daaah. bwiset nakakasyet lang.pusang gala talaga.

nakakasad naman yon. dahil sa isang tao, natuto kang magkaroon ng hatred.

oo nga eh ='(
wag ka nang umiyak..
  
kelangan ko ilabas to eh. kahit sa atin-atin lang. betwin yu en me may labs..kundi baka mastroke ako..

naiinis na rin tuloy ako sa taong yon.. ayokong nakikita kang ganyan.

naks gumaganown. bespren na tayo niyan. haha. ako hindi lang naiinis. nanginginig ako sa galit. kasi siya pa. siya pa na dapat unang-unang tao na nagmamahal sakin. putikness.  andrama ko tuloy ngayon. eh kasi naman eh. ikaw ba naman masaktan ng ganito. sana hindi ko na lang siya nakita pa ulit para kahit sa imagination ko na lang man, mahal niya ko. kahit sa imagination ko man lang, may ilulook forward pa ko sa buhay ko-na makita siya ulit. kahit kunyari lang magkakaroon kami ng happy ending.

T_T
ala. naiyak ka na rin tuloy. haha. sige na nga. tama na nga to... basta. makakaganti rin ako. (evil laughs!). usap ulit tayo neks taym bespren pinky ha? sana sa pagkakataon yon, masaya naman maiikukwento ko

sana nga T_T sana umokey ka na.

oo nga..

Saturday, July 10, 2010

torpelisyus

ngayon naaapreciate ko ang mga torpe kadorpeys. why? coz they can love you in their own selfless way. at napa-ingles tuloy ako don. hihi. eh ksi naman noh. hindi talaga ako nainiwala sa mga ligaw ligaw na yan. kasi nawadeys, puro kabaduyan at kaplastikan lang naman ang ginagawa ng mga ibang boylets na yan. buti sana kung katulad nung panahon dati nila maria clara noh, yung tipong umeeffort talaga sila ng bonggang-bongga para lang maging "kasintahan" ka.. at alam mo namang seryoso sila sa'yo(-hellerness? para ba naman mangharana at humarap sa mga istriktong magulang ano) hindi tulad ngayon na para magka gerlpren lang o kaya naman eh para mapatunayan ang pagkalalake nila

oo, syempre naman hindi lahat eh tulad ng nabanggit ko,. marami pa rin namang nagseseryoso. pero naman noh. hindi pa nga kayo eh dumedemandingness na kaloka ang mga ugok. :| tinetrays na ang iskedyul mo at lagi nang dumedemand ng kung anu-ano. hay nakow!

at eto pa. bakit ba pati ang panliligaw kelangan ipagpaalam?bago pagkatapos pag hindi mo naman sinagot in de end eh sasabihing pinaasa mo lang sila? so ibig sabihin pala niyan, pag pinayagan mo sila manligaw, tutuloy-tuloy na yan na maging kayo? so para saan pa ang panliligaw?eh why not dumeretso na lang? diba diba? kapag naman hindi ka pumayag na manligaw sila sa'yo sasabihin naman na parang chance lang hindi mo pa maibigay??

ang gulo ng lumalablayp. kaya ayoko pang mamulat sa mga ganito eh. kaya takbo ako ng takbo. eto pala ata ang dahilan. hehe. kung sana maisusulat ko lang kung ano dapat mangyari sa lablayp ko, isusulat ko yung kanta ni mareng miley cyrus "..you'll be the right guy and i'll be the bestfriend that you'll fall inlove with.." o diba lumelebel up ang kabaduyan ko?hahaha. yun kasi talaga ang gusto ko. walang plano-plano. walang kontra-kontrata. i mean.. gusto ko kung may makakainlaban man ako(wala na akong maisip na term sorry!.haha!), gusto ko dun sa taong kilala na 'ko insayd en awt at bays bersa. gusto ko yung nadevelop na lang sa tagal ng pagsasama hindi yung dahil sa ligaw ligaw epek wid matching tsokoleyt en plawers pa

do u get my point? i don't tink so. haha! kung saan-saan na napunta tong chika ko eh dapat tungkol lang to sa mga pare kong torpe. haha!

basta ayun. yun na yun. iba dapat isusulat ko dito kaya ko naisipang mgblog kasi parang maganda yung konsept ko sa mga torpe kaso kung anu-ano na bigla sinulat ko at ngayon eh tinatamad na'ko. neks taym na lang ulit. torpelisyus, da riyal deal:abangan.... hahaha

byie :)

Sunday, July 4, 2010

4th of july

independence ngayon sa tate! eh ano ngayon sakin? haha. hindi, nagcelebrate kaya kami dito sa bahay. kain kain. hindi dahil may american blood kami ha--dahil wala naman :D birthday kasi ng pinsan ko. hehe.

hay. tulog ako buong maghapon. why? coz i'm so damn sick T_T clogged nose. super itchy throat. and to make things worse, the girl thing :> bakit bigla akong umenglish. haha. sorry naman araw nga kasi nila ngayon. pagbigyan. hehe. pero ha, kahit may sakit ako di ka pa rin natanggal sa utak ko kahit one minute. walang sinabi si sipon at ubo at alam mo na. hehe. i miss you soooo much :\