Monday, August 30, 2010

hipon

alam mo ba kung ano ibig sabihin ng hipon?hindi yung sea creature ha. yung expression. ako hindi. well aktwali, dat was 2 days ago. ngayon alam ko na. ang galing pa nga ng pagkakadefine ng napakabait kong pinsan. pinresent niya ko na para bang isa siyang artist na nagpepresent ng kanyang master piece. galing noh. well, at least sa pananaw ng isang katuad niya, sexy ako. haha! susunugin ko bahay nila mamaya

Thursday, August 26, 2010

gratitude list

lagi akong nawawalan ng gana sa layp ko. ewan ko nga ba. minsan nalalabuan na talaga ako sa sarili ko kaya yun, hindi kami nagpapansinan pag nababadtrip na talaga ako. hindi ko na kinakausap sarili ko. haha. hay

siguro kulang lang ako sa inspirasyon.. motivation.. solution.. polution.. evaluation lahat na ng may tion. pero.. pero! buti at nakaisip ako na solution para dito. naisip kong gumawa ng gratitude list para magkaroon naman ako ng backbone.. i mean, para kahit konting motivation naman maramdaman ko with matching inspiration na din :)

so eto:

eheeeeeeeem!

dear papa God, salamat po sa pagpapatira niyo sa'kin sa mundong ito at sa lahat ng mga bagay/tao/hayop/pangyayari at kung anu-ano pa, lalung-lalo na po sa mga nakalista below.

-sa pinaka supportive na tita sa balat ng lahat ng mga balat. haha. ang sandalan ng katotohanan..este, ng lahat pala :) i love her so much!
-to my ever loving papa :))
-paminsan-minsan, kahit di ko inaamin, tinetreasure ko din naman ang kulitan namin ni kuya. ayii :D
-december 2009. ♥
-for a tight hug from justine(little brother ko yan! hehe)
-sa pinaka tight talagang yakap ng lola ko:)
-for my highschool buddies dito sa manila
-for the most refreshing coke float sa mcdo na peyborit na peyborit ko
-sa pinakamasarap na gravy sa universe na sineserve sa mcdo sa alimall :D
-at sa taong lagi kong kasama pag lumalamon ako sa mcdo :))
-ok, naaapreciate ko na din yung taong aaligid-aligid diyan. but as a friend. haha, pashowbiz. pero oo nga, thank You for him :)
-to my sweet tooth. buti na lang i appreciate sweets! how would my life be without em??
-for my vintage phone. haha! kahit hindi siya kasing astig ng iphone at blackberry, siya pa din ang nagbibigay daan para maging in touch kami ng friends ko sa marbel :)
-april 5, 2007. bastaaaa. haha
-sa nickelodeon. malaki ang ambag nito sa kabataan ko. haha. sige, pati na rin disney at CN.
-sa mga kalaro kong tropang ABCD. ito ang tawag namin sa sarili namin kasi yun alphabetical ang mga surname namin, haha. miss ko na sila. joyjoy, tata, joyjoy liit, jobelle, jimel, odang, pati na rin sila mahal and her sibings kahit sila ang kasabunutan namin :p
-kay Jenifer na aking rag doll.. na tinadtad ko ng injections at dextrose kada pagkagaling ko sa ospital. haha. isa si jenifer sa mga nagpasaya ng childhood ko :)
-kay barbie na maraming damit. buti pa siya ginagwan ng lola ko. haha
-pati na rin kay mr.batman na ginawa kong love team ni barbie kasi ayaw ako bilhan ng ken :D
-kay B1 ng buhay ko..:)
-kay mhoks
-kay maan
-kay marvee
-kay pots
-kay parts
-sa ang pinakamamahal kong Pee-Ar(high school friends ko. it actually stands for Power Rangers.haha!!)
-kay robert. ayiiiii. hahaha
-kay sir bogs na nagpapakasaya na sa heaven ngayon. :)
-sa smiles ng kahit na sinong makasalubong ko :)
-sa lahat na ng yakap na natanggap ko :)
-sa lahat ng appreciation.
-sa pinakacute kong pinsan na si thea
-sa grade ko sa geom. haha!!
-sa pagkakataong makalahok sa math contest :D
-sa mga bestfriends kong stuffed animals :)
-at marming marami pa!

sa kakacount ko ng blessing ko inantok na ko. haha. dadagdagan ko pa to promise :) good night :)

Friday, August 20, 2010

baduy

sa totoong buhay, nababaduyan ako sa mga nakakabaduy na linya. pero there's this other side of me na nagsasabing "woooh, natats ka naman eh" haha! ewan. basta. at least dito sa blog ko totoong-totoo ako :D
 well anyways, moving on...
bigla ko lang to naisip. teks message ata 'yan o status sa peysbuk. o... sa kowts site? basta.  sapul na sapul ako dito. hihi. ito ang dahilan kung bakit iniiwasan ko pang magkaboypren hangga't feeling ko hindi pa naman time :)
When I`m older... and my little girl asks me who my first love was I don`t want to have to pull out the old photo album. I want to be able to point across the room and say: "he is sitting right over there" ♥
 i was like "aaaaw"  /blush  tas bigla ko naimagine andun na ko, isa nang oldilocks with my very cute little girl(haha!)  and then ayun siya.... that faceless guy i'm gonna be with for the rest of my life...awwww.. /blush haha! lande mo neng! amp. sorry naman. /please minsan lang magpantasya :D sorry. haha

Wednesday, August 18, 2010

kamersyal

boring pa sa boring ang araw ko today. pero kaya ako nagpost, sumaya ang araw ko dahil sa isang ftw na kamersyal. nagbabakasakaling may mapasaya din akong langaw tao sa pagpopost ko nito dito.



well? haha. at first, nasad ako sabi ko, funny ba to?! eh kawawa yung daga! pero nung nagplay yung eye of the tiger, natawa na ako ng bungga. hihi

yun lang po. babye :D

Sunday, August 15, 2010

takot

kada mandeys, wenesdeys and praydeys, may klase ako sa sixth floor. nilalakad ko lang po 'yon ng bonggang-banggang-bongga! opo. paakyat at pababa! back en fort! up en down!
a. dahil sa sobrang hirap ng iskul namin eh walang pampagawa ng lift
b. dahil gusto ko magburn ng taba
c. dahil sa bawat floor eh may drinking fountain at gusto kong uminom sa bawat madaanan ko. :)

letter d po ang sagot. none of the above :D ang totoo niyan.. sikreto lang natin ha? natatakot po akong pumasok sa elevator /blur huhu. feeling ko maiistuck ako sa loob at unti-unting nagsisilapitan sakin ang four walls nito. waaah! ewan ko ba, minsan tinatry ko na lang mag-isip ng happy thoughts pag nasa loob ako ng lift kaso lumipad naman ako nahihilo ako at mistulang masusuka /no

so ayun.. kahit malelate na ako, lakad pa din, gooo! :D pero pag magkakalahating oras na talaga akong huli, FACE YOUR FEARS na ang drama ko. wag lang talaga matyempuhang busog na busog ako kundi, kawawa naman ang mga makakasabay ko. haha

bakit ko biglang naisipang magpost nito? wula lang, trip lang. bat ba? haha. hindi, may nakita kasi akong samting at gusto ko lang ishare:

wehehe. parang gusto ko ngang itry eh.. kaso.. i caaaaaaan't! i'm too afraid! haha. eto pala yung kabuuang picture:
waaah. ikaw? kaya mo?

Thursday, August 12, 2010

praydey da tirtint na

ayoko lang lumipas ang espesyal na araw na to na wala man lang akong post. hehe..

ano ba meron sa friday the 13th?well, ayon sa aking pagkakaalam(ui!may alam!haha) dahil sa pagkahumaling ko dati sa mga knights templar and the likes, isa sa mga teorya eh nung october 13, 1307 daw, friday syempre, ay pinagpapapatay daw yung mga knights na nabanggit ko sa pamamagitan ng pagsunog. ouch. bakit? kasi daw dahil sa sikretong nalalaman nila. ops ops, di ko na papalawigin. magsaliksik ka na lang por yorselp kung naiintriga ka :D

anyways. mubing on.. grabe, grabe na talaga ang mga status ng pipol ngayon sa peysbuk. wala na kasi talaga sigurong maisip. lately lang eh nagpost ako ng tungkol don sa poging lalake. tas kanina lang, may humirit nanaman ng matindi. haha, natawa lang ako X) tapos nagfeeling kontrabida pa ko sa pelikula with my sidekick. /wahaha nagkoment kasi ako tas parang hindi niya pa nahahalata. grabe lang. haha.. sama ko today, yesterday, and ebriday tlaga!


kung hindi niya lang sana nilaitlait si melissa na aking idol. waha. hindi sana siya mabibitay sa aking kaharian ng blog /nobigdeal kaso, he crossed the line /shock HAHA and then, nagulat pa ko kasi as you can see, may  pahabol na spectator diyan, pinag-isipan ko muna kung ipopost ko to tas nakita ko comment niya at sabi ko sa sairli ko, why not?:D hindi pa yan kabuuan. nag-away pa sila ng bonggang-bongga, haha

but wait ders more pa pala. sa haba ng komentan nilang dalawa ni pahabol na spectator, tinatamad na kong magcopy-paste, hindi ko na maipopost  yung kabuuan. pero may isa pa kasi siyang comment na nakakachurva lang talaga. hehe eto:
oh no you didn't. not the noo!! haha! tinatamaan ako niyan eh /floor hihihi. bat ba? walang pakielamanan ng noo. /omg haha!

well, that's all por now folks :) have a nice friday the thirteenth :)


Thursday, August 5, 2010

bday

follow up post sa birthday ko. hehe. birthday ko na at this very hour. 13th birthday to be specific. gusto ko simulan araw ko with papa God :) hindi ako maghahanda. baka sila dito sa bahay pero hindi ko na rin aabutin kasi may pasok ako. hindi rin ako manlilibre kasi kuripot ako ngayon /nobigdeal hihihi. so eto lang. gusto ko makipagcelebrate ke papa God para maipakita ko kung gaano ako kateyngkpul na pina istey niya ko sa mundong ito.

"and if you're just too weak to go on.. remember:"




how many times have i broken you're heart. but still you forgive if only i ask ='|


wooooh \m/


thank You thank You po sa pagpapatira niyo sakin dito for yeeeeaaaarsss. i have one particular extra wish nga lang po. konting katalinuhan lang po...kung okay lang naman po.hihihi /blush

vurdey

gusto ko magpost ngayon... kaso... wala akong maisip na topic /dignose

bakit gusto ko magpost? kasi kaarawan ng mahal ko ngayon. mahal kong sarili. /wahaha

nagsilabasan na ang results ng exam namin nung prelims and guess what. almost failing ang grades ko. /no buti na lang ALMOST lang [insert yung kantang hallelujah. hindi yung kay bamboo ha, yung haa-llelujah! haa-lleluja! hallelujah to the lamb]

at eto, bigla tuloy akong nahilig sa emoticons like these. hindi kasi ako makapag-express ng mabuti eh. trapped na trapped ang ideas sa utak ko ng mga nagdaang lifetime araw. ewan ko ba. una na sa calculus ko. peyborit ko naman ang math ah. bakit hindi niya ako pinepeyborit back? one-sided lang talaga lahat ng relationship na nabubuo ko. haha! tas eto pa, sa pilipino talagaaaaaaaa! /blur naturingan pa naman akong pilipino. kaso palpak, simula greyd wan ako pilipino ko na isa sa mga pinakamababang grades sa report card ko. in da pers place, kaya ko nga bigalang tinagalog mga posts dito sa blog ko eh para mapraktis na rin ako. minsan tuloy naiisipan kong gumawa na lang ng sarili kong language tulad ng hachunisamijakukulol! wehe. ewan. ambobobobobits ko talaga.

plano ko sana masaya ang ikukwento ko ngayon kasi vurdey ko kaso iba ang nagpop sa isipan ko. hay

anyways, mubing on.. in a matter ob hours,13th bday ko na po! /blush isa na po akong ganap na teen. hhihihi walang kokontra kasi ako ang bida ngayon /wahaha

/bye

Tuesday, August 3, 2010

si ella

nung isang araw, nagpost ako tungkol sa kalungkutan ko. hindi ko nabanggit kung ano yung masamang balita na nagtrigger kung bakit ako nalungkot ng sobra. eto kasi yon..

friday, july 30, around 7 ng gabi, sumakabilang buhay ang tito ko(well, hindi ko naman talaga siya tito by blood. close lang siya sa pamilya namin mula nung bata siya kaya para ko na rin siyang tito) napakabilis lang kasi ng lahat. inatake siya sa puso. pagkarinig ko ng balita, parang nagflash bigla sa utak ko yung memories ko sa kanya na katulad nung sa mga pelikula. oo, hindi naman ganoon kadami yung memories na yon. mahigit isang taon pa lang simula nung nakita ko siya ulit dahil hindi nga ako dito lumaki.pero katulad nga ng sinabi nung isa kong tita, hindi naman sa tagal ng pinagsamahan yon. yung impact na nagawa niya sa buhay mo, yun ang nagmamatter.

ok, tama na yung tungkol sa nararamdaman ko. dahil hindi ako ang bida dito. kanina pumunta ako for the second time sa burol ni tito gener. pinramis ko sa sarili ko na hindi ako iiyak kasi parang wala naman akong karapatan. pero nung nakita ko ang anak niyang si ella... :'( ... grabe lang talaga ako maapektuhan pag may nakita akong umiiyak. lalo na pag alam kong malalim ang pinaghuhugutan. nag-o-otomatik ang paa ko sa pagsuot ng sapatos niya. you know, like kung ako yung nasa kalagayan niya.. at lalung-lalo na kasi bata lang siya. around 12 lang ata siya. hindi pa niya dapat nararamdaman ang ganoong klaseng sakit. i mean, mas matindi pa yon sa lahat ng sakit na naramdaman ko pagpatung-patungin man siguro. papa's girl pa naman daw siya. masyadong maaga lang talaga para sa kanya

nung unang araw na bumisita ako, siya agad ang hinanap ko. mukha siyang masaya. pero alam ko kunyari lang yon kaya lalo akong nalungkot para sa kanya. ang strong strong niya. eh what more nung nakita kong bumigay na siya? tuluyan na siyang naiyak nung pinalabas yung tribute para sa tatay niya. like, grabe lang talaga yung iyak niya. hindi ko madescribe. basta, naiyak na lang din ako :'( gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at damayan kaso ni hindi niya nga ako kilala by name. kaya wala akong nagawa kundi sabayan na lang siya.

hindi ko maisulat ng maayos ang gusto kong ibahaging kwento kasi hindi naman ako magaling magsulat. basta yon.. para kay tito gener naman, mamimiss po kita. sayang at di na natuloy yung planong bidyoke sa bahay niyo. naappreciate ko po talaga nung sinabi niyong kayo na lang ang magbibigay ng allowance sakin kahit di ko naman inaasahan.masaya lang ako at naramdaman ko pagmamahal niyo :') wala na tuloy kasangga si papa ngayon at magdadala sa kanya ng softdrinks lagi lagi..pati na rin meryenda. at si tita malen po, humagulgol din dahil sa inyo, lakas niyo talaga :) sana nagkaroon pa tayo ng mas mahabang time kaso kelangan ka na ata diyan..

sana kung nasaan man kyo ngayon, masaya na kayo.

hay... nabawasan nanaman ng isang mabuting tao dito sa mundo. pero nadagdagan ang mga anghel :)

Sunday, August 1, 2010

haller?!

i was habing a nays day. ewan ko kung bat naisipan ko pang magpeysbuk. ah, alam ko pala, eh anung araw ba kasi ako hindi nagbubukas non? haha! well anyways, moving on.. ayon, tingin sa notifs, ismayl ng konte, reply sa comments, comment sa picture, at.... at!!! nakita ko ang bweykeneng status ng bweykening guy na ito:
at nasira na po ang aking fabulous na araw /omg  oo, ako na ang mababaw. pero, like, hello?dude? okay ka lang? ampogi mo naman pareee. parang si papa piolo lang a.oh c'mon! at kahit ipagpalagay na lang naitn na hindi ako nagpapaka-sarcastic, na gwapo ka talaga, it won't make you any less of a douchebag. sorry for my language. ewan ko ba, bihira naman akong mairita at mag-mind ng business ng iba kaso pasaway to eh.

belib me, mas okay na lang na tinabunan ko ang piktyur nya. baka pati araw niyo masira rin. bwahaha /wahaha

ang bad ko tuloy, eh kasi naman noh! aaminin ko, hindi naman ako kagandahan. o sige para streyt to da point, pangit ako. pero marunong naman akong lumagay sa tama. eh ikaw?

naghanap lang ako ng outlet ng kainisan para makapagmub on na ko sa layp ko. hehehe. sige po. sorry /please