Saturday, May 7, 2011

ultimate pangarap :D

someday...... pag may trabaho at pera na ko.... magkakaroon din ako ng isang travel blog!!! :D pupunuin ko yon ng libu-libong itineraries at milyun-milyong litrato gamit ang aking future DSLR ( na by the way may lens cap na ko. hahaha!!:D  napulot ko lang siya sa BCG at ito ang panghahawakan ko para makabali ng isang buong DSLR :D )

sa ngayon.. mangangarap na lang muna ako. at mag-iisip na din kung ano itatawag ko sa future travel blog ko. haha ;p

Friday, April 8, 2011

nice day

nice day ang title kasi araw ng mga nice ata ngayon :D

8th day ng summer vacation ko kanina/kahapon. dahil sa kabagutan ko sa bahay, kinagat ko kaagad ang imbitasyon ng kaeskwela kong gumala sa mall of asia. nagpaalam ako sa kundisyong gagawin ko muna ang utos ng tita ko sakin.. so yun. pagkatapos ng tanghalian, naglakad na ko papunta sa bangko(ang utos kasi sakin ay magdeposit). malayong lakarin yon mula samin. e wala namang sasakyan na dumadaan samin papunta don. so yun.. tinahak ko ang mahabng daan habang nagpapaprito sa araw.. don na nagsimulang magpakita ng kabaitan ang mga tao sakin. haha
kabaitan #1: habang naglalakad ako, may aleng nakapayong. mukha siyang masungit. sino mag-aakalang....isyer niya sakin yung payong niya? pero yon. :))

kabaitan #2: ambait nung teller sa bangko. alam ko they're supposed to be kind. pero kadalasan kasi masusungit. wala lang. hehe

so ayun. natapos ang task ko. go na sa galaan :))

sa MRT na ko..

kabaitan #3: pagpasok ko sa tren, inofferan ako nung ate na umupo at siya'y tumayo. oo. tama. si ate. akala ko naman ay malapit na ang babaan niya pero pareho lang kaming sa last station baba. weird. hehe

paglabas naman ng station, malayo-layo na rin ang nalakad ko nang may kumalabit sakin...

kabaitan #4 : hinabol niya pa talaga ako para ibalik sakin yung stored value card ko sa LRT. nagpasalamat ako at tumalikod na siya. wait. nasa MRT ako. pagtingin ko s bulsa ko, andon yung single journey MRT card ko. iba ang na swipe ko! haha pero nakalusot pa din ako. so yun ang kabaitan #5 :))

so nasa moa na ko at nakipagkita sa kaeskwela ko. then fast forward....

nung nasa seaside na kami..

kabaitan #5: kinailangan namin ng gunting para sa picture namin na nakuha sa timezone. napansin yon nung maghohotdog. ayun. pinahiram niya kami :)

kabaitan #6: may katabi kaming lalaki na hindi namin kilala. inofferan niya kami ng mga chichirya niya. pero dahil nahihiya kami, nagpasalamat na lang kami. haha


ang saya saya saya ng araw ko dahil sa mababait na tao at sa bonding namin ng mga kaibigan ko. tas pag uwi ko sa bahay ay dahil sa simpleng bagay ay nagkumagalit at nagmumura ang tatay ko. there goes my mood :)





Monday, April 4, 2011

takipsilim

twilight.. sunset.. takipsilim.. maraming katawagan. iisang kahulugan. ang pamamaalam ng araw. ang pagtatapos ng isang araw sa buhay ng tao...

pamamaalam...
pamamaalam...

hindi maganda ang karanasan ko sa pamamaalam. buong buhay ko lagi na lang ako iniiwan. kadalasan, tahimik na pamamaalam ang iniiwan sakin. at sa bawat paalam na iyon, nag-iiwan ng lamat sa puso ko. matagal bago ako makarecover...at kadalasan pa ay hindi ko na maalpasan.

ironically, gustung-gusto kong pagmasdan ang takipsilim. hindi dahil sa niyayakap ko na ang konsepto ng pamamaalam.. kundi dahil sa bawat paalam ng araw, ang pangakong kinabukasan ay magbabalik din siya.. at kahit na mawala man siya sandali, nag-iiwan pa rin siya ng liwanag bilang patunay na kahit nasaan man siya, hinding-hindi siya makakalimot..

sana lang lahat ng paalam katulad ng sa takipsilim..




okay andrama at feeling makata ako don. haha. ang totoo niyan gusto ko lang talaga i-show-off ang mga amateur shots ko gamit ang cellphone ko habang pinapanood ang sunset nang mag-isa. gustung-gusto ko talaga ang mga kulay na bumabalot sa sky pag nagtatagpo na ang araw at dagat.. anywaysss. ito na :
 -natsambahan ko yung pusa. anu ginagawa
niya don? ewan ko nga eh. hehe

sana ako na lang yung nasa bangka :(





babaaaay... :')




I LOVE SUNSETS :)

next stop: manila bay :)

Friday, February 11, 2011

DON'T PUSH IT


--ito ang mga katagang nabitiwan ko kanina kay ___________. I know. It's so unpolite. Okay wag nang gumamit n euphimism. Kabastusan yung ginawa ko. Kahit kailan hindi pa ko sumagot nang ganoon sa mas matanda sakin. Lagi na lang ako nagpipigil. Laging nagpaparaya. Pero kanina napuno na talaga ko. No. hindi ko pinagsisisihan 'yon. Parang mas gumaan nga ang pakiramdam ko eh. Dahil for once in my life, nagawa kong maconvert sa sound waves ang mga naiipong idea na makakasakit sakin.. for once in my life, napigilan ko ang nagpupumiglas na luha sa mga mata ko. For once in my life, I've grown out from being such a cry baby.

Nakakasyet lang kasi talaga. Alam mo 'yon?!

Today I realized how I hate those people who constantly and CONCIOUSLY state the obvious for no good reason. Tapos pipilitin ka pang pag-usapan yon? Para ano? para patunayang magaling sila? Para atunayang tama sila?! Well f#@%. Anong mas nakakapanggilait? -- same people pa yung laging naghahanap ng someone to blame all their misfortunes to.

Sobrang nanggigigil lang talaga ako. Alam mo yung ginagawa mo na lahat para magmukhang masaya...para hindi tumulo ang mga nakanang luha mo...para hindi masira araw mo.. Yet they keep pushing you. Kahit na nagmamakaawa ka na..kahit na tumatahimik ka na?

Wala lang. kung may gusto man akong kausap ngayon, ikaw lang. ayoko sa mga tao dito :\

Tuesday, February 1, 2011

chito ♥


"Friends come and go. ." - sabi nung barker na tropa ko sa kanto.

Ang sarap ng feeling pag may  kaibigan.  Yung  matatakbuhan mo kapag gusto mong magkuwento...mapa-tungkol sa mga pananaw mo sa buhay..sa  mga pangarap balang araw.. sa pagmamaktol mo dahil sa pagbaba ng allowance mo.. sa weird na nakasakay mo sa LRT.. sa mga kapitbahay mong hindi nanaman nagpatulog dahil sa videoke na umuungol..  sa crush mo na nag-hello sayo sa wakas.. at kung anu-ano pa. everything under the sun kumbaga. Lahat ng ideas sa utak mo, hindi napapanis. Hindi nakukulob.

Pero pano kung yung kaibigan na 'yon ay bigla na lang nawala nang wala man lang paalam?

Pinacheck-up ko naman si Spikey eh. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para maisalba siya. Pero sabi ni kuyang ika-4 na tumingin sa kanya, "some things are just beyond repair" -- maangas man pagkakasabi niya ay wala akong naging tugon kundi isang tungo. Wala. Sa isang iglap ay kailangan ko nang tanggapin na nalagasan ako ng bff. Isang kaibigan na matatakbuhan sa tuwing kailangan kong maglabas ng saloobin.

Sa langaw na nagbabasa ng blog ko, OO NA. o.a na ko. Pero seryoso, dahil lumaki akong isang loner,  ang pilit na pagtipa ng mga letra  sa keyboard lang ni Spikey ang kaya kong gawin na pinakamalapit sa pakikipag one-on-one na chikahan sa isang bestfriend. Dahil kung subject lang ang pagbabahagi ng saloobin tungkol sa everything under the sun sa kapwa tao, e malamang niyan, sinko ako sa third take.

Ilang buwan din ako bago nakapag-move on sa nangyari. At ngayon na fully recovered na 'ko, sasabihin ko na ang punto nitong post ko na 'to… may bago na akong frend. >:D<

Siya si Chito. Chits for short. Kung bakit ganon ang pinangalan ko sa kanya e mahabang storya. Pero sasabihin ko na lang rin. Kawangis kasi ni chito miranda yung kuya na nagbenta sa'kin sa octagon. Heehee. Sa wakas ay may kasama na ulit ako sa kwentuhan , sa pagbuklat ng mga pahina ng buhay ng iba pang bloggers(na miss na miss na miss ko na!) at pagbahagi ng buhay ko sa mga langaw na naliligaw a blog ko XD

So ayun. i-welcome niyo naman si Chito :) :D

Mahal ko keyow! Haymissssssyoooow!!

Lovelots, bidyan <3