Tuesday, February 1, 2011

chito ♥


"Friends come and go. ." - sabi nung barker na tropa ko sa kanto.

Ang sarap ng feeling pag may  kaibigan.  Yung  matatakbuhan mo kapag gusto mong magkuwento...mapa-tungkol sa mga pananaw mo sa buhay..sa  mga pangarap balang araw.. sa pagmamaktol mo dahil sa pagbaba ng allowance mo.. sa weird na nakasakay mo sa LRT.. sa mga kapitbahay mong hindi nanaman nagpatulog dahil sa videoke na umuungol..  sa crush mo na nag-hello sayo sa wakas.. at kung anu-ano pa. everything under the sun kumbaga. Lahat ng ideas sa utak mo, hindi napapanis. Hindi nakukulob.

Pero pano kung yung kaibigan na 'yon ay bigla na lang nawala nang wala man lang paalam?

Pinacheck-up ko naman si Spikey eh. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para maisalba siya. Pero sabi ni kuyang ika-4 na tumingin sa kanya, "some things are just beyond repair" -- maangas man pagkakasabi niya ay wala akong naging tugon kundi isang tungo. Wala. Sa isang iglap ay kailangan ko nang tanggapin na nalagasan ako ng bff. Isang kaibigan na matatakbuhan sa tuwing kailangan kong maglabas ng saloobin.

Sa langaw na nagbabasa ng blog ko, OO NA. o.a na ko. Pero seryoso, dahil lumaki akong isang loner,  ang pilit na pagtipa ng mga letra  sa keyboard lang ni Spikey ang kaya kong gawin na pinakamalapit sa pakikipag one-on-one na chikahan sa isang bestfriend. Dahil kung subject lang ang pagbabahagi ng saloobin tungkol sa everything under the sun sa kapwa tao, e malamang niyan, sinko ako sa third take.

Ilang buwan din ako bago nakapag-move on sa nangyari. At ngayon na fully recovered na 'ko, sasabihin ko na ang punto nitong post ko na 'to… may bago na akong frend. >:D<

Siya si Chito. Chits for short. Kung bakit ganon ang pinangalan ko sa kanya e mahabang storya. Pero sasabihin ko na lang rin. Kawangis kasi ni chito miranda yung kuya na nagbenta sa'kin sa octagon. Heehee. Sa wakas ay may kasama na ulit ako sa kwentuhan , sa pagbuklat ng mga pahina ng buhay ng iba pang bloggers(na miss na miss na miss ko na!) at pagbahagi ng buhay ko sa mga langaw na naliligaw a blog ko XD

So ayun. i-welcome niyo naman si Chito :) :D

Mahal ko keyow! Haymissssssyoooow!!

Lovelots, bidyan <3


2 comments:

BatangGala said...

ayun oh! WELKAM BACK! and hello chito! sorry ngayon lang ako nakadaan dito, medyo busy kasi e. choss! pero, lam mo ba, seryoso ko nung binabasa ko 'tong post na 'to. at di ako makaget over sa sinabi ni kuya, "some things are just beyond repair." hanggang sa muli! :)

bid yan said...

wow may napadpad dito maliban sa mga langaw XD

totoo naman yung sinabi ni kuya diba? hehehe. anywayssss, thanks sa pagdaan! haymisyu! :))